ANG PAG-ALIS NG ASIGNATURANG FILIPINO SA MAKABAGONG KURIKULUM NG K-12
Huwebes, Setyembre 3, 2015
PAPANIMULA O KALIGIRAN
Tinututulan ng Unibersidad ang kautusan ng Commission on Higher Education (CHEd) na tanggalin ang Asignaturang Filipino sa kolehiyo bilang pakiki-ayon sa bagong kurikulum ng K-12. Malansang isda naman kung ilarawan ng mga guro at mag-aaral ang Commission on Higher Education (CHEd) at ang Gobyernong Aquino sa pagtatanggal ng Asignaturang Filipino sa makabagong kurikulum.
MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN
Ang pag-alis ng Asignaturang Filipino sa
makabagong kurikulum na naglalayon upang bigyan ng daan ang K-12. Hindi
magiging hadlang ang Wikang Filipino sa pag asenso ng ating bansa.
RASYUNAL
Rasyunal
Ang paksang ito ay nakapukaw kaagad sa aming damdamin dahil tinatalakay nito ang isang isyung pang-eduksayon sa ating bansa. Napili namin ito dahil nais naming bigyan ng pansin ang pag-aalis ng asignaturang Filipino sa makabagong kurikulum. Para sa amin hindi kailangan alisin ang asignaturang Filipino sa pagtuturo dahil mahalaga na pag-aralan ito upang mapanatili hanggang sa susunod na henerasyon. Kaya din namin napili ito upang maipakita at maihayag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa ating lipunan tulad ng pakikipagkomunikasyon at ang pagkakaroon ng ating bansa ng sariling wika. Mahalaga ito na talakayin upang maging mulat ang ating mga isipan sa mga kaganapan sa ating lipunan lalo na sa ating wika.
MITHIIN
Mithiin
Wikang Filipino ang pundasyon sa maayos at magandang pakikipagkomunikasyon ng bawat taong nakikipag-usap at nakikisalamuha sa iba’t-ibang tao. Kaya hindi dapat tanggalin ang asignaturang Filipino sa pagtuturo dahil ito ang wika kung saan magiging mabisa ang pag-uusap at pag-uunawaan ng bawat tao. Hindi lang sa larangan ng edukasyon makakatulong ang paggamit ng Wikang Filipino. Dahil dito nagkakaroon ng maayos na ugnayan ang bawat Pilipino sa iba’t ibang industriya ng paghahanapbuhay, mapalokal o media man ito ay malaki ang maitutulong ng Wikang Filipino. Kung wala ito at tatanggalin hindi magiging mabisa at hindi magkakaunawaan ang pag-uusap.
LAYUNIN
Mga Layunin
Layunin ng adbokasiyang ito na ipaalam sa atin ang mga pagbabagong nagaganap sa sistema ng edukasyon, upang mabigyang pansin. Kailangan nating bigyan ng pansin ito dahil tumutukoy ito sa kinabukasan ng bawat mamamayanang Pilipino. Ito din ay karapatan ng bawat isa. Layunin din nitong isulong ang Wikang Filipino upang mapahalagahan at maipagpatuloy pa sa susunod na henerasyon. At hindi magiging balakid ang ating wika sa ating pag-unlad.
BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA
Ang adbokasiyang ito ay para sa lahat ng mamamayanang
Filipino. Ito ay makatulong para sa mga mag-aaral at mga guro. Kung hindi
aalisin ang Wikang Filipino sa pagtuturo, ito ay mapapahalagahan at mapapaunlad
pa ng mga mag-aaral. Hindi na din mawawalan ng trabaho ang ilang mga guro.
Mahalaga ang Wikang Filipino dahil ito ang ginagamit natin sa ating pang-araw
araw na buhay. Kailangan natin itong pahalagahan upang hindi mawala ng lubusan
sa ating pamumuhay at para sa susunod na henerasyon.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)