Huwebes, Setyembre 3, 2015

PAPANIMULA O KALIGIRAN

      Tinututulan ng Unibersidad ang kautusan ng Commission on Higher Education (CHEd) na tanggalin ang Asignaturang Filipino sa kolehiyo bilang pakiki-ayon sa bagong kurikulum ng K-12. Malansang isda naman kung ilarawan ng mga guro at mag-aaral ang Commission on Higher Education (CHEd) at ang Gobyernong Aquino sa pagtatanggal ng Asignaturang Filipino sa makabagong kurikulum.

 

       Ang kahalagahan ng paksang ito ay nagpapatunay na mahalaga ang ating wikang Filipino sa lipunan. Hindi kinakailangan na alisin ito upang bigyang daan ang makabagong kurikulum dahil hindi naman ito magiging hadlang sa pag-unlad ng ating bansa. Mahalaga na pag-aralan ang wikang Filipino upang mapanatili ito sa ating lipunan at mapahalagan para sa susunod na henerasyon.

     

 

      Paliwanag ng CHEd, isa tong hakbangin na kinakailangan upang madaling makasabay sa ragasa ng globalisayon ang mga Pilipino. At bilang solusyon sa kinakaharap na suliranin sa ating edukasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento